^

Probinsiya

Trader tumalon sa cliff, todas

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS , Philippines   - Patay ang 27-anyos na negosyante habang nawawala naman ang driver nito matapos tumalon mula sa cliff sa Tali Beach sa Barangay Balaytigue, bayan ng Nasugbu, Batangas  kamakalawa ng kahapon. 

Kinilala ni PO2 Marco Antonio B. Villafria, ang biktima na si Jesus Cabarrus ng Alabang Hills Village, Muntinlupa City habang pinaghahanap pa ang nawawala nitong family driver na si Carlou Ballenas ng Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nabatid na namamas­yal ang mag-amo kasama ang ilang kaibigan sa Sunset Cliff sa Tali Beach nang nagpumilit tumalon si Cabarrus na may 15 talampakan ang taas bandang alas-3 ng hapon.

Ayon sa mga nakasaksi, tumama ang katawan ng biktima sa mga bato matapos hampasin ng malalakas na alon.  

Sinubukang sagipin ni Ballenas at ng isa pang kaibigan na si Karim Elkhoury si Cabarrus ngunit tinangay din ng malakas na alon.  

Nilamon ang dagat si Ballenas habang nakala­ngoy naman si Elkhoury sa mababaw na bahagi ng dagat hanggang masagip ng ilang kawani ng kalapit na beach resort. 

Naisugod sa Nasugbu Doctors Hospital si Cabarrus ngunit idineklarang patay habang ginagamot naman si Elkhoury.

vuukle comment

ALABANG HILLS VILLAGE

BALLENAS

BARANGAY BALAYTIGUE

BARANGAY PUTATAN

CABARRUS

CARLOU BALLENAS

MUNTINLUPA CITY

TALI BEACH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with