^

Probinsiya

2 kawani dedo sa road mishap

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Dalawang kawani ng gobyerno ang iniulat na namatay makaraang sumalpok ang kanilang motorsiklo sa kasalubong na van sa kahabaan ng highway sa bayan ng Matalam, North Cotabato kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Elias Colonia, hepe ng Matalam PNP ang mga biktima na sina Francis Bello, Jr., at Doris Ann Andum, kapwa kawani ng Office of Southern Cultural Communities (OSCC) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ayon sa police report, pumutok ang unahang gulong ng motorsiklo ni Bello kaya inakupa ang kabilang linya kaya sumalpok sa kasalubong na van. Dead-on-the-spot si Andum habang namatay naman si Bello habang ginagamot sa Cotabato Provincial Hospital. Nabatid na magsusumite sana ng ilang dokumento ang mga biktima para sa PAGIBIG loan sa Kidapawan City nang makasalubong si kamatayan.

AUTONOMOUS REGION

COTABATO PROVINCIAL HOSPITAL

DORIS ANN ANDUM

ELIAS COLONIA

FRANCIS BELLO

KIDAPAWAN CITY

MATALAM

MUSLIM MINDANAO

NORTH COTABATO

OFFICE OF SOUTHERN CULTURAL COMMUNITIES

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with