Jailbreak: 2 preso pumuga

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Sinamantala ang malakas na buhos ng ulan kaya nakapuga ang dalawang preso matapos nitong lagariin ang rehas na bakal ng  bintana sa Ligao City Jail, Albay kahapon ng umaga. Kasalukuyang tugis ng pulisya ang dalawang puganteng sina Joel Delos Santos, 23, ng Barangay Cabasi; at Ariel Racadag, 22, ng Barangay Tastas at kapwa may mga kasong pagnanakaw. Ayon kay J/Senior Insp. Gerardo Yuson, nagawang lagariin ng dalawa ang rehas na bakal ng bintana bandang alas-4 ng madaling-araw kung saan sinasabing hindi namalayan ng mga bantay dahil sa matinding buhos ng ulan. Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa puwesto ang mga guwardiya dahil sa kapabayaan sa tungkulin.

Show comments