2 suspek sa balikbayan slay, tiklo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng dalawang akusado sa pagpatay sa isang balikbayan noong Abril 2013 makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Cacapean, bayan ng Marcos, Ilocos Norte kamakalawa. Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Manuel Argel ng Laoag City Regional Trial Court Branch 65, nasakote ang mga suspek na sina Mark Anthony Antonio, 21; at John Cris Ignao na kapwa nakatira sa Barangay Mangato, Laoag City. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Dexter Corpuz, hepe ng Marcos PNP, ang dalawa ay isinasangkot sa pagpatay kay Zaldy dela Cruz na sinasabing pinagbabaril hanggang sa mapatay sa harapan ng sementeryo sa nasabing lungsod.

Show comments