Pinugutang sanggol itinapon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 7-buwang gulang na sanggol makaraang mapugutan ay itinapon sa gilid ng ilog sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kahapon ng umaga.  Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuan ang duguang katawan ng sanggol na nababalutan ng puting tela na nasa gilid ng ilog sa Nortville 4-A sa nasabing barangay. Kaagad naman dinala ni Ebot Del Carmen ng Marilao Rescue Action Group ang katawan ng sanggol sa simbahan upang mabendisyunan ng pari saka inilbing sa pampublikong sementeryo.

 

Show comments