Totoy pisak sa truck

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Pisak ang katawan at namatay ang 5-anyos na totoy matapos itong masagasaan ng 10-wheeler truck sa kahabaan ng highway sa Barangay Maddarulug Sur, bayan ng Enrile, Cagayan kamakalawa. Kinilala ni PO2 Jaime Lallaban ang biktima na si Angelo Pablo habang sumuko naman sa pulisya ang driver na si Renato Ducos, 48, ng Bayombong, Nueva Viscaya. Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-overtake ang trak ni Ducos sa sinusundang traysikel kung saan sinaklaw nito ang kabilang linya. Nagkataon namang tumatawid ang biktima kaya nasagasaan ito. Nagawang isugod ng mga sumaklolo ang bata sa Saint Paul’s Hospital subalit sinalubong na rin ni kamatayan makalipas ang ilang oras.

Show comments