Negosyante itinumba ng tandem
BULACAN, Philippines – Bulagta ang 40-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng highway sa Barangay Buenavista, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Namatay habang ginagamot sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang si Randy Quiliza habang nakaligtas naman ang asawa nitong si Marilou Quiliza, 41, kapwa nakatira sa Barangay Luwasan sa bayan ng Marilao, Bulacan. Ayon kay PO2 Daniel Ortega Jr. lulan ng traysikel ang mag-asawang Quiliza kung saan naghahatid ng panindang balot nang ratratin ng tandem pagsapit sa nabanggit na lugar.
- Latest