BATANGAS , Philippines – Pinasisbak sa tungkulin bilang admiÂnistrador ni Governor Vilma Santos-Recto si Victor “Vic†Reyes matapos magpalabas ng desisyon ang Civil Service Commission kaugnay sa sinasabing pamemeke ng kanyang civil service eligibiÂlity result.
Sa 12-pahinang desisyon na may petsang June 25, 2013 na eksklusibong nakalap ng PSNGAYON, nilagdaan nina CSC Chairman Francisco Duque III, Commissioners Robert Martinez, Nieves Osorio at si Director Dolores Bonifacio, inayunan nila ang unang desisyon ng CSC Regional Office IV na dinidismis sa serbisyo si Reyes dahil sa napatunayang guilty sa admistrative offenses.
Kabilang sa mga paglabag ni Reyes ang Serious Dishonesty, Grave Misconduct, Falsification of Official Documents and Conduct Prejudicial to the Best InteÂrest of the Service.
Bukod sa dismissal, pinatawan din si Reyes ng cancellation of eligibility, forfeiture ng retirement beÂnefits, habambuhay na disqualification sa pagsisilbi sa pampublikong tanggapan at pagbabawal ng pagkuha ng Civil Service Examination.
Sa ulat ng CSC, pineke umano ni Reyes ang resulta ng examination nang lagdaan nito ang kanyang Personal Data Sheet o PDS kung saan inilagay ang gradong 83% sa isinagawang Civil Service Examination noong December 10, 2004
Gayon pa man, sa tala ng Integrated Records Management Office ng CSC, walang Career Service Professional examination noong December 10, 2004 sa anumang sangay ng regional offices ng commission.
Samantala, nakatakda namang magsagawa ng deliberation ang Civil Service Commission En Banc sa linggong ito matapos maghain ng Motion for Reconsideration si Reyes kaugnay sa naging desisyon ng nasabing commission.
Samantala, iginiit naman ni Reyes na dapat lang na madismiss ang reklamo laban sa kanya dahil hindi requirement ang civil service professional eligibility sa kanyang posisyon dahil appointive position ang pagiÂging provincial administrator. Iginiit din ni Reyes na “in good faith†lamang ang kanyang pagsusumite ng resulta ng CSC examination base na rin sa natanggap nitong certificate of eligibility na ipinadala lang umano sa kanya sa pamamagitan ng koreo. Dagdag ni Reyes, hindi rin umano nakapagsumite ng matibay na ebidensya ang prosecution para mapatunayang peke nga ang isinumite nyang mga dokumento.
Samantala, iginiit ng CSC na sapat na ang mga ebidensya na nagpapatunay na pineke ni Reyes ang eligibility dahil wala namang isinagawang examination sa sinabi nitong petsa.
Hindi na umano materyal sa kaso kung requirement o hindi ang nasabing eligibility sa posisyon ng administrator dahil tahasan nang lumabag si Reyes sa Civil Service Law na sapat na upang ituring na “serious dishonesty†ayon sa Section 3 ng CSC resolution no 065387.
Si Reyes ay itinalaga ni Governor Vilma Santos-Recto bilang Provincial AdmiÂnistrator ng Batangas noong Hulyo 1, 2007.