Bus vs van: 4 todas

NORTH COTABATO, Philippines - Apat-katao ang iniulat na namatay makaraang suwagin ng pampasaherong bus ang kasalubong nitong  van sa kahabaan ng Davao-Agusan Highway, KM26 sa Barangay Lasang, Davao City, Davao del Sur kamakalawa ng umaga. Kabilang sa mga namatay ay driver ng Toyota Liteace van (PLT 632) na si  Anacleto Pedrosa Jr., 72, Dating professor sa University of Southern Mindanao sa Kabacan; habang Idineklarang patay sa Rivera Hospital sa Panabo City ay sina Meriam Flores, Maribeth Datoon at si Ana Marie Pedrosa, 7, pawang nakatira sa San Juan Subd., Davao City. Sa ulat ni P/Senior Supt. Ronald de la Rosa, director ng Davao City PNP, inagaw ng Bachelor Bus (LVY853) na minamaneho ni Rustituto Rodoa ang kabilang linya ng highway kaya nasalpok ang Toyota Liteace van. Ang mga biktima ay patungong Davao City mula sa kanilang bukirin sa Buenavista.

Show comments