Mangingisda nasagip sa Japan
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Nasagip ang 48-anyos na mangingisdang Pinoy na iniulat na nawawala noon pang Linggo (Agosto 11) dulot ng bagyong Labuyo makaraang natagpuang nakakapit sa lumulutang na bangkang bumaliktad sa karagatang sakop ng Japan kamakalawa.

Sa pahayag ni Batanes Coast Guard Chief SN1 Samuel Carrera, kasalukuyang nagpapalakas ang mangiÂngisdang si Julio Balanoba sa Yaeyama Hospital sa Okinawa, Japan.
 Ayon kay Carrera, nakaligtas si BaÂlanoba sa mga prutas na dala nitong supply na saging at pakwan sa loob ng 10- araw na palutang-lutang sa gitna ng karagatan.

Nabatid na lumutang at tumaob ang bangka ni BaÂlanoba matapos nitong pagkabit-kabiting itali ang mga basyong plastic na lalagyan ng tubig sa magkabilang bahagi ng bangka.
“Ang naganap kay BaÂlanoba ay katulad sa tatlong mangingisda mula sa bayan ng Sta. Ana, Cagayan na nasagip naman ng Phil. Coast Guard sa karagatan ng Taiwan matapos abutin ng bagyong Isang noong Hulyo 2013,†pahayag ni Norma Talosig, director ng Office of the Civil Defense Cagayan Valley.
- Latest