Dalaga todas sa onsehan

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines   â€“ Bulagta ang 37-anyos na dalaga na sinasabing nasa watchlist ng drug personalities makaraang barilin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Victoria Mansion Subd. sa Barangay Bitas, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.  Napuruhan sa batok si Susan Martinez ng Barangay Mabini habang sugatan naman ang kaibigang si Noemi Felipe na naisugod sa Wesleyan University Medical Center. Samantala, nakaligtas naman dalawa pang kasama ng biktima na sina Darwin Capati, 38, biyudo ng Sunrise Subd., Barangay Bantog Norte; at Lutgardo Espinosa ng Barangay Mabini Homesite. Sa imbestigasyon,  lulan ng Nissan Sentra ang mga biktima nang barilin ang biktima pagsapit sa nasabing lugar. Nabatid na may nakabinbing drug case ang biktima kung saan posibleng paghihiganti ang motibo ng gunmen.

 

Show comments