Treasurer ng kooperatiba itinumba

MANILA, Philippines - Pinabulgta ang 32-anyos na treasurer ng kooperatiba matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa kahabaan ng national highway sa Barangay Sengal, Lamitan City, Basilan kahapon ng umaga.

Sa ulat ni P/Senior Supt. Mario Dapiloza na isinumite sa Camp Crame, kinilala ang napatay na si Joseph Fernandez, may asawa, ingat-yaman ng AFAMCO Cooperative at nakatira sa Brgy. Cambodia, Isabela City.

Ayon sa imbestigasyon, ang biktima ay lulan ng motorsiklo ( JP 8878) na patungong Lamitan City mula sa Isabela City nang sundan at pagbabarilin ng assasins pagsapit sa nabanggit na lugar bandang alas-9:30 ng umaga.

Nakuha sa bulsa ng biktima ang cal. 9mm na nabigong gamitin ng biktima.

Narekober  sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal.45 pistol habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments