2 negosyante itinumba

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang negosyante ang napatay makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa naganap na magkahiwalay na barangay sa Cabanatuan City, noong Sabado ng gabi. Sa police report na nakara­ting kay P/Supt. Pedro D. Soliba, hepe ng Cabanatuan City PNP, kinilala ang  dalawa na sina Joan Tambongco, 39, ng Barangay Magsaysay Norte; at Jaime Francisco Jr., 38, ng Barangay Santor, Bongabon, Nueva Ecija. Si Tambongco ay niratrat at napatay habang nakatayo sa gilid ng Gen. Tinio Street sa Barangay Quezon District. Samantala, napatay din si Francisco Jr. matapos pagbabarilin sa labas ng Rising Phoenix Automotive Battery Shop sa Sanciangco Extension, Barangay Barrera.

Show comments