Sekyu dedo sa shotgun

CAVITE, Philippines - Patay ang 28-anyos na security guard matapos tamaan ng bala ng shotgun na sinasabing hawak ng kanyang kabarong sekyu sa bayan ng General Trias, Cavite kamaka­lawa ng hapon. Napuruhan sa tiyan at idineklarang patay ang biktimang si Marco Ceriola, stay-in sekyu sa binabantayang Lancaster subdivision. Samantala, sumuko naman sa pulisya ang kasamahan nitong si Ronel Martija, 21, ng Area F, Bahay Pangarap Subd., Dasmariñas City. Ayon kay PO2 Almar Joy Raagas, magkasamang naka-duty ang dalawa sa binabantayang subdibisyon nang magpasyang mag-break. Nabatid na biglang pumutok ang shotgun ni Martija matapos nitong maupuan ang baril kung saan tinamaan sa tiyan ang biktima.

Show comments