Kolektor ng trader bulagta sa holdaper
BULACAN, Philippines – Pinabulagta ang 38-anyos na kolektor ng negosyante habang nasa kritikal naman ang kasamahan nito matapos barilin ng isa sa dalawang holdaper sa loob ng pampasaherong jeepney sa Barangay Longos, bayan ng Pulilan, Bulacan kahapon.
Kinilala ang napatay na si Joel Valderama ng Barangay Subic habang kritikal naman ang kasamahan nitong si Bernardo Domingo, 40, ng Barangay San Jose sa bayan ng Baliwag.
Sa ulat ni PO1 Razzle Libunao, sumakay sa jeepney ang dalawa matapos kolektahin ang P.2 milyon sa negosyo ng kanilang amo. Sa Malolos City subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinoldap sila ng dalawang di-kilalang lalaki sa loob ng pampasaherong jeepney (TMH 217).
Gayon pa man, pumalag si Valderama kaya napilitang pagbabarilin saka tumakas ang gunmen tangay ang P.2 milyong cash na nasa bag ni Valderama.
- Latest