Barangay kagawad itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang 40-anyos na barangay kagawad makaraang ratratin ng di-kilalang lalaki sa bakuran ng kaniyang bahay sa Purok 4, Barangay Cagbaoto sa bayan ng Bayabas, Surigao Del Sur kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba, tagapagsalita ng Caraga PNP ang biktima na si Ronaldo G. Lozada.  Sa police report na nakarating sa Camp Crame, ipaparada sana ng biktima ang kanyang motorsiklo sa likuran ng kanilang bahay nang lapitan at pagbabarilin.

Show comments