^

Probinsiya

Kautusan ng gobernador, binalewala

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya , Philippines  â€“ Tila hindi man lamang natinag ang mga operator at mga nasa likod ng jueteng matapos balewalain ang executive order ng bagong gobernador na nagpapatigil sa operasyon ng mga sugal sa nasabing lalawigan.

Ito ay matapos na magpatuloy sa pangongolekta at pagpapataya ang mga kolektor sa ibat-ibang bayan partikular na ang malalaking bayan ng Bambang, Solano at Bayombong.

Sa kautusan ni Governor Ruth Padilla na may petsang Hulyo 2, nakasaad ang pagpapatigil ng mga pulis sa jueteng operation at iba pang pasugalan sa buong lalawigan.

Sabalit sa kabila ng order na ipinalabas ng gobernador ay lalong lumakas ang operasyon ng jueteng kabilang na ang operasyon ng Meridien Vista Gaming Corporation.

 â€œHindi kayang pahintuin ni Gov. Padilla ang Meridien dahil legal naman ito, o baka naman may gusto lang silang ipasok na ibang ope­rator kaya kami pinapatigil,” pahayag ni Mang Domeng na kilalang bet collector.

Sa panig ni P/Senior Supt. Valfrie Tabian, sumusunod naman sila sa nasa­bing kautusan ni Padilla su­balit kinakailangan pag-aralang mabuti ang mga ebidensiya laban sa Meridien dahil maraming pulis ang kinasuhan dahil sa pagpaptigil sa kanilang operasyon.

 â€œWe can’t just stop its ope­ration as they have papers to operate online gaming. But if it found to be operating illegally, then we’ll make the necessary action,” pahayag ni Tabian.

BAMBANG

GOVERNOR RUTH PADILLA

MANG DOMENG

MERIDIEN

MERIDIEN VISTA GAMING CORPORATION

NUEVA VIZCAYA

PADILLA

SENIOR SUPT

VALFRIE TABIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with