13-anyos pisak sa bus

CAVTE, Philippines – Pisak ang 13-anyos na mag-aaral matapos mahagip ng minibus sa kahabaan ng Covelandia Road sa Barangay Pulborista, Binakayan Kawit, Cavite kamakalawa ng hapon. Tumatawid ang biktimang si Richelle Anne Cajulis nang mahagip ng minibus (NTW-627) ni Feryl Vincent Fernandez, 22, ng Barangay Sahud Ulan sa bayan ng Tanza, Cavite. Napag-alamang papauwi na ang biktima mula sa eskuwelahan nang masagasaan ng bus pagtawid nito sa nabanggit na lugar.

Show comments