Mister kinatay ng lolo

MANILA, Philippines - Matinding selos ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang 58-anyos na mister ng 76-anyos na lolo sa Barangay Guiasan, bayan ng Magallanes, Agusan del Norte kamakalawa.

Nagtamo ng mga taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa ulo ang biktimang si Felix Gohol Sr. habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Orlando Macuno, kapitbahay ng biktima na ngayo’y nahaharap sa kasong kriminal.

Sa ulat ni P/Supt. Martin Gamba na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas-3 ng hapon matapos na magkasalubong ang biktima at ang suspek.

Lango ang suspek na sinabuyan pa ng alak sa mukha ang matanda kung saan tinuya nito ang pagkalalaki matapos na mapadaan sa lugar kung saan umiinom ng alak.

Dahil sa matinding galit ng matanda ay biglang binunot nito ang matalim na itak na nakasukbit sa baywang saka pinagtataga ang biktima na hindi na nagawang makapanlaban bunga ng kalasingan.

Show comments