Kargamento ng DOLE limas sa NPA

MANILA, Philippines - Kinulimbat ang kahung-kahon saging sa container van ng DOLE Phils. sa panibagong paghahasik ng terorismo ng mga rebeldeng New People’s Army sa bayan ng Cagwait, Surigao del Sur kamakalawa. Sa ulat ni P/Supt. Martin Gamba, spokesman ng Caraga PNP, naganap ang panghaharas ng mga rebelde sa pamumuno ni Ka Mark laban  sa container van (LWU 310) sa Sitio Abihaw, Barangay Bitaugan West. Wala namang nagawa ang driver ng van at mga pahinante nito matapos na tutukan ng baril ng mga rebelde. Hindi pa nakontento ay pinagbabaril pa ang anim na gulong ng van at generator set nito. Inihayag ng opisyal na pangingikil ng revolutionary tax sa may-ari ng DOLE ang isa sa motibo ng NPA.

Show comments