Trader itinumba ng tandem

CAVITE , Philippines   - Napatay ang 44-anyos na trader makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa kahabaan ng Paliparan Road sa Barangay Paliparan 1 Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ronnie Joquino ng Barangay Poblacion 1 sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Sa imbestigasyon ni PO2 Ronelo Abas, nagmomotorsiklo ang biktima patungo sana sa nabanggit na bayan nang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril. Nabatid na naka-jacket at helmet ang gunman na nakatayo sa gilid ng kalsada nang isagawa ang pamamaril. Tumakas ang gunman lulan ng motorsiklo habang naisugod naman sa St. Paul Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.

 

Show comments