74-anyos lolo nilikida

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napatay ang 74-anyos na lolo habang sugatan naman ang kasama nitong apo matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang trak sa kabundukan ng Barangay Dibuluan sa bayan ng Jones, Isabela kamakalawa ng tanghali. 


Kinilala ni P/Chief Insp. Ceferino Calayan, hepe ng Jones PNP, ang nasawi na si Virgilio Luiz Sr. habang sugatan naman ang batang si Sherwin Banigued, 11, Grade 5 pupil.


Sa salaysay ng bata sa pulisya, pauwi na sila ng lolo matapos hugasan sa ilog ang kanilang sasakyan nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki mula sa mataas na bahagi ng burol sa gilid ng kalsada.


Pinawi naman ng pulisya ang anggulong robbery sa kaso dahil hindi naman nilimas ang P20,000 koleksiyon mula sa pagpapaupa ng sariling trak.

Nabatid na ang liblib na Barangay Dibuluan ng Sierra Madre ay pinamumugaran ng mga rebeldeng New People’s Army at malimit isinasagawa ang illegal na pagtrotroso.


Show comments