Lider ng kandidato niratrat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 44-anyos na lider ng kandidato matapos itong ratratin ng di-kilalang lalaki sa naganap na pananambang sa Barangay San Nicolas, Iriga City, Albay kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ronald Briones, pauwi na ang biktimang si Restituto Alanis nang harangin at pagbabarilin habang naglalakad pauwi. Napag-alamang nakipaglamay sa burol ng kaibigan ang biktima kung saan nagpasyang umuwi matapos antukin.

Show comments