^

Probinsiya

Bakbakan sa Sulu: 4 patay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa apat-katao ang kumpirmadong napatay matapos na sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng Philippine Marines at armadong grupo sa Tongkil Island, Sulu kahapon ng umaga. Sa sketchy report, sinabi ni Col. Rodrigo Gregorio, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, nakasagupa ng Philippine Marines ang mga armadong grupo  sa pagbubukas ng polling precints sa nasabing isla. Nabatid na rumesponde ang tropa ng sundalo matapos na makatanggap ng ulat kaugnay sa panghaharass ng mga armadong grupo. Nabatid na nagpull-out sa lugar ang mga operatiba ng pulisya matapos itong hilingin ng kampo ni Sulu congressional bet Lady Ann Sahidula. Inihayag naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan Jr., ang pagpull-out ng pulisya at pagpasok ng tropa ng Philippine Marines ay desisyon ng  Joint Security Coordinating Center upang maiwasan  ang pakikisawsaw sa pulitika. Samantala, personal namang nagtungo si Sulu Island Commander Col. Orlando de Leon upang alamin ang tensiyon sa pagitan ng magkalabang kandidato.

DOMINGO TUTAAN JR.

JOINT SECURITY COORDINATING CENTER

LADY ANN SAHIDULA

NABATID

PHILIPPINE MARINES

RODRIGO GREGORIO

SPOKESMAN BRIG

SULU ISLAND COMMANDER COL

TONGKIL ISLAND

WESTERN MINDANAO COMMAND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with