CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Napatay ang 64-anyos na ama makaraang pagsasaksakin ng kanyang anak na lalaki dahil sa matinding galit kahapon ng umaga sa Barangay Pagsanghan, bayan ng San Miguel, Catanduanes. Idineklarang patay sa Eastern Bicol Medical Center ang biktimang si Augusto Arroyo, biyudo at magsasaka habang nadakma naman ng pulisya ang suspek na si Adan Arroyo, 26, jobless at kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-7:30 ng umaga matapos hadlangan ng biktima ang kanyang anak na lumabas ng kanilang tahanan. Nagalit ang suspek sa tinuran ng kanyang ama kaya isinagawa nito ang pananaksak. Ed Casulla