Utol ng vice mayoral bet, niratrat

CAVITE, Philippines - Malubhang nasugatan ang kapatid na lalaki ng vice mayoral bet makaraang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng kalsada sa Barangay Aniban 1, Bacoor City, Cavite kahapon ng madaling-araw. Nagtamo ng tama sa tiyan at naisugod sa ospital ang biktimang si Ferdinand Malvar, 46, may asawa at nakatira sa Barangay Real 1 sa nasabing lungsod. Sa insiyal na imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ng biktima ang kahabaan ng kalsada sa nabanggit na barangay lulan ng kotse patungong Barangay Zapote nang harangin at pagbabarilin. Kahit sugatan ay nagawang paharurutin ng biktima ang kanyang kotse kung saan humingi ng saklolo sa ilang residente. Si Ferdinand ay kapatid ng vice mayoralty bet na si Edwin Malvar sa nasabing lungsod.

Show comments