MANILA, Philippines - Umaabot sa 100 kabahayan na gawa sa mahihinang uri ng materyales ang naabo sa naganap na sunog sa Barangay Banago, Bacolod City kahapon ng tanghali. Sa ulat ng Bacolod City Fire Marshal, bandang alas-12 ng tanghali ng magsimulang kumalat ang apoy sa Purok katilingban at Purok Kawayan. Sa inisyal na imbestigasyon, isa umanong residente na may diperensya sa pag-iisip ang nagsindi ng apoy na siyang pinagmulan ng sunog. Wala namang iniulat na nasugatan at nasawi sa sunog subalit malaki ang iniwan nitong pinsala. Bandang ala-1:50 ng hapon nang maapula ang apoy matapos rumesponde ang mga bombero.