^

Probinsiya

2 vote buyers, dinakma

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines - Bumagsak sa mga kamay ng pulisya ang dalawang babaeng sinasabing namimili ng boto para sa isang kandidato sa bayan ng Tanza, Cavite kamakalawa. Kinilala ni PO1 Joel Men­doza ang mga suspek na sina Marilou Kamikosa, 56; at Leiann Escobar, 26, kapwa nakatira sa Barangay Amaya Uno sa nasabing bayan. Ayon sa report, ina­resto ng isang nagnga­ngalang John Ace Pelisardo sa pamamagitan citizen arrest ang dalawang babae matapos siyang abutan ng  sobre na naglalaman ng P300 na may kalakip na election stub na may tatak na Poll Workers Training. Agad na tinurn-over sa pulisya ni Pelisardo ang mga suspek kung saan nakatakdang kasuhan sa paglabag sa Section 261, Article 22 ng Omnibus Election Code. Mariin namang itinanggi ng mga suspek ang akusasasyon sa kanila ni Pelisardo. Ayon kay Pelisardo ang dalawang babae ay suporter umano ni Tanza reelectionist Ma­yor Raymundo Del Rosario.Pinabulaanan naman ng kampo ni Mayor Del Rosario na may kinalaman siya sa aktibidad ng dalawang suspek.

AYON

BARANGAY AMAYA UNO

JOEL MEN

JOHN ACE PELISARDO

LEIANN ESCOBAR

MARILOU KAMIKOSA

MAYOR DEL ROSARIO

OMNIBUS ELECTION CODE

PELISARDO

POLL WORKERS TRAINING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with