Trak vs poste: 2 todas, 3 grabe

CAVITE , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang 3 iba pa ang nasugatan makaraang sumalpok ang cargo trak sa konkretong bakod at poste ng kuryente sa kahabaan ng Governors Drive sa Brgy. Mabuhay, bayan ng Carmona, Cavite kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang mga namatay na sina Dandy Munzo, 21; at Honesto Intong, 22, habang sugatan naman sina Jose Gallo, 32, driver; Mark Intong, 20; at si Rico Gallo, 21, pawang nakatira sa Pier 2, Tondo, Manila. Sa police report, sumabog ang preno ng cargo truck (UVA676) ng Wellcargo Customs Brokerage Inc. pagsapit sa kurbadang highway kaya nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na si Jose. Nagtuluy-tuloy na sumalpok sa pader at poste ng kuryente kung saan naipit ang mga biktima sa loob ng sasakyan.

 

Show comments