Pagmimina sa Bataan tinutulan

BAGAC, Bataan, Philippines  â€“ Nag­lunsad ng kilos-protesta ang 200-katao mula sa iba’t ibang sector para tutulan  ang nakatakdang operasyon ng black sand mining sa tatlong coastal barangay sa bayan ng Bagac, Bataan.

Ayon kay Ferdinand Ma­ca­ranas ng Samahan ng Nagkakaisang Mamamayan ng Bagac laban sa Pagmi­mina, layunin ng kilos-protesta na ilantad ang masamang epekto ng ekplorasyon ng magnetite sand ng Grand Total Exploration and Mining Corporation sa mga coastal Brgy. Quinawan, Paysawan, Binuangan, Barangay Pag-asa at Brgy. Banawang.

Nilinaw naman ni Administrator Nick Ancheta na walang pinapahintulutan si Bagac Mayor Rommel Del Rosario na magkaroon ng mining operation kung saan ay ipi­nawalang-bisa na noon pang Oktubre 1, 2012 ng Sangguniang Bayan ang kanilang naunang resolusyon na pag-eendorso sa aplikasyon ng Industrial Sand Gravel at Well-Resource Mining, Inc. para makakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) at Mineral Processing Permit (MPP) sa DENR.

Agad namang pinutol ni Ancheta ang kanilang programa matapos ang flag-raising ceremony para bigyan-daan ang mga nagpo-protesta kung saan inimbitahan ang grupo na pumasok sa compound ng munisipyo para malayang maihayag ang kanilang sentimyento subalit hindi tumugon ang grupo at tumuloy sa simbahan para sa misa. Jonie Capalaran

Show comments