CAVITE , Philippines – Napaslang ang 36-anyos na kawani ng pawnshop na may bitbit na P.5 milyong cash na winidraw sa banko makaraang holdapin ay niratrat ng riding-in-tandem gunmen sa panulukan ng Don Placido Campos Avenue sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ang napatay na si Alexander Calo, binata kawani ng MLhuiller Pawnshop, at nakatira sa Mabuhay Homes 2000 Subd. sa Barangay Salawag sa nasabing lungsod.
Base sa police report, bandang alas-10:55 ng umaga nang nagtungo sa banko ang biktima kasama ang teller ng pawnshop na si Bonifacio Loar para mag-withdraw ng P.5 milÂyon.
Pabalik na naglakad sa nasabing pawnshop ang dalawa na may 50-metro ang layo sa banko nang harangin at holdapin ng armadong tandem.
Tumanggi ang biktima na ibigay sa mga holdaper ang bitbit na bag na naglalaman ng malaking halaga kaya binaril ito sa balikat.
Kahit sugatan ay nagmatigas na hindi bitawan ng biktima ang bag kaya muling pinutukan ng gunman bago tinangay ang bag na may malaking halaga.
Sinasabing hindi naman idinamay ang kasamang teller ng biktima na naisugod pa sa osapital subalit idineklarang patay.
Pinaniniwalaang isinailalim sa masusing surveillance ang biktima bago isagawa ng tandem ang panghoholdap.