CAVITE, Philippines - Napaslang ang 42-anyos na overseas Filipino worker (OFW) matapos itong holdapin at pinagbabaril pa ng mga ‘di-kilalang lalaki sa naganap na panibagong holdapan kamakalawa ng gabi sa Barangay Tanauan, bayan ng Tanza, Cavite. Bandang alas-5:30 ng umaga nang matagpuan sa creek ang bangkay ni Ernesto Catanghal ng Barangay Sta. Cristina, Dasmariñas City, Cavite. Sa pagsisiyasat ng pulisya, nakatakda sanang makipagkita ng biktima sa kinakasama nito na si Jenifer Villanueva sa convenient store Trece Martirez City nang harangin at paslangin ng mga ‘di-kilalang lalaki. Ang biktima na nagbaksyon lamang mula sa Saudi ay inabandona sa liblib na bahagi ng nabanggit na barangay.