TUGUEGARAO CITY, Philippines- Bumulagta ang 40-anyos na pastor ng Church of Christ na tumatayong coordinator din ng Kabagis Partylist matapos itong barilin ng riding-in-tandem assassins sa harapan ng kanyang asawa at kausap na pastor sa Laoag City, Ilocos Norte kahapon ng umaga.
Nalagutan na ng hiÂninga pagdating sa Governor Roque Ablan Memorial Hospital si Pastor Macario Campanano ng Barangay Tagipuro sa bayan ng Bangui.
Sa ulat na nakarating kay SPO4 Ramelito Piedad na nakikipag-usap ang biktima sa kapwa niya pastor kaharap ang kanyang asawa sa kanilang inuupahang apartment sa Fariñas Street sa Barangay 9 nang bigla lapitan at barilin sa batok na naglagos sa panga ng pastor saka mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo.
Ayon sa misis ng biktima na si Mina, wala siyang alam na maaaring may masamang balak sa kanyang mister kung saan sinasabing supporter din ito ng mga pulitiko.
Sinasabing isa sa mga sinamahan at sinuportahan ng biktima ay si dating Ilocos Norte Governor Michael Keon na umatras sa kandidatura sa mayoralty race sa Laoag City.
Pinaniniwalaang may bahid politika ang pagpatay kay Campanano Dagdag ulat ni Joy Cantos