2 dedo sa killer van

NUEVA ECIJA , Philippines   â€“ Bumulagta ang sinasabing magka­sintahan makaraang mabundol ang kanilang motorsiklo ng kasalubong na van sa kahabaan ng highway sa Magsaysay Street, Barangay Ligaya sa bayan ng Gabaldon, Nueva Ecija noong Huwebes Santo ng hapon. Kinilala ng pulisya ang dalawa na sina Mark Gil Gonzales, 25, binata, salesman ng Barangay Pangatian, Cabanatuan City; at Ana Joy Magtalas, 22, dalaga, waitress ng Barangay Cabisuculan, Science City of Muñoz. Samantala, naaresto naman ng pulisya ang drayber ng Nissan Caravan van (RGG-781) na si Chairman Lito Serna, 44, ng Barangay Tanauan sa bayan ng Dingalan, Aurora. Nabatid na patungo sa Cabanatuan City ang dalawa nang makasalubong si kamatayan bandang alas-4 ng hapon.

Show comments