14-anyos utas sa frat war

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 14-anyos na binatilyo makaraang pagsasaksakin ng mga kabataang miyembro ng kalaban nitong fraternity sa Barangay Poblacion, Lapu-Lapu City, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Welmer Macan na na­tagpuang duguang nakabulagta  at naghihingalo sa upuan sa naturang barangay noong Huwebes  ng madaling-araw.

Nagawa pang maisugod sa ospital ng mga rumes­pondeng pulis pero idineklarang patay.

Pinaniniwalaan ng pamilya nito na may kinalaman sa labanan ng fraternity ang ikinamatay ng biktima matapos itong hindi makauwi.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng pulisya ang naganap na pamamaslang.

 

Show comments