Wanted nagtago ng 13-taon, tiklo

CAMARINES NORTE, Philippines -  Nagwakas ang 13-taong pagtatago ng 75-anyos na wanted matapos itong masakote ng pulisya sa kasong double murder sa bayan ng Sipocot, Camarines Sur kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Celso Barsaga ng  Barangay Tible, Sipocot, Camarines Sur kung saan may nakabinbing warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Daniel Joven. Batay sa record ng pulisya,  si Barsaga ay itinuturong pumatay sa magkaibigang sina Joseph Bataller  at Manuel Rellama kaugnay sa lupang pinag-aagawan noong Hulyo 18, 1999. Nagtago ng mahabang panahon ang suspek  na nasa talaan ng most wanted person sa nasabing bayan kung saan nasakote naman ng pulisya.

Show comments