Barangay chairman itinumba

MANILA, Philippines - Napatay ang beteranong barangay chairman habang sugatan naman ang isa pa matapos pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa Barangay Candelaria, bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte kamakalawa ng umaga. Kinilala ang napaslang na si Chairman Felomino Fernandez ng Barangay Tapalan, bayan ng Salug habang Isinugod naman sa ospital ang sugatang si Reynaldo Gumera. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, abala sa pag-aani ng mangga ang biktima nang lapitan at ratratin sa lupaing pag-aari ni Germingeldo Aque ng Liloy, Zamboang del Norte.

 

Show comments