^

Probinsiya

Estudyante dinukot, tinodas

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya dinukot at pinatay ang 17-anyos na estudyanteng lalaki ng kanyang kaklase sa sinasabing karibal sa pag-ibig sa isa namang karahasang naganap sa Barangay Gregoria De Jesus sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Manuel Amil ng Cuyab National High School at nakatira sa San Pedro, Laguna. Samantala, ang suspek na sinasabing kaklase na nakaaway ng biktima dahil sa isang babae ay pansamantalang hindi isiniwalat ang pagkakakilanlan. Sa pahayag ng pulisya, dinukot ng mga armadong kalalakihan ang biktima noong Sabado ng gabi sa Barangay San Antonio habang nakikipag-inuman sa limang kaibigan. Kinabukasan ay nakita ang bangkay ni Amil na may palatandaang pinahirapan bago inabandona sa madamong bahagi ng congressional road sa nabanggit na barangay.

vuukle comment

BARANGAY GREGORIA DE JESUS

BARANGAY SAN ANTONIO

CAVITE

CUYAB NATIONAL HIGH SCHOOL

GENERAL MARIANO ALVAREZ

KINABUKASAN

KINILALA

MANUEL AMIL

PINANINIWALAANG

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with