Magsasaka napahiya, nag-suicide

NUEVA ECIJA , Philippines  â€“ Nagpasalubong kay kamatayan ang 47-anyos na magsasaka makaraang  uminom ng pesticide saka nagbigti dahil sa kahihiyang inabot sa kanyang mga kainuman sa Barangay Platero sa bayan ng General Natividad, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi. Bandang alas-9 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ni Alex Gonzales ng Sitio Pugon, Barangay Platero sa nabanggit na bayan. Nabatid sa imbestigasyon na bandang alas-8 ng gabi nang sunduin ang biktima ng kanyang ka-live-in na si Matilde Gonzales. Hindi naman nagustuhan ng biktima ang pagsundo sa kanya ng kinakasama dahil napahiya ito sa kanyang mga kainuman. Dito na nagdesisyon ang biktima na uminom muna ng pesticide saka nagbigti sa loob ng kanilang tahanan.

 

Show comments