Aussie pinutol ang sariling ari

CAVITE, Philippines — Pinaniniwalaang matinding kalungkutan ang dumapo sa 33-anyos na Australyano kaya nagdesisyong  putulin nito ang sariling ari sa loob ng kanyang kuwarto sa Brgy. Tabon 3 sa bayan ng Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Lagocki Pawel Roma, bisita lamang ng kapwa Australyana ng # 364 Garland Subd. sa nabanggit na barangay.

Sa imbestigasyon ni PO2 Gabriel Gonzales, lumi­litaw na nagkulong sa silid ang biktima matapos itong makaramdam ng ma­tinding kalungkutan kung saan isinagawa ang pagputol sa kanyang ari.

Ayon kay Edwina Peterhansel, bumisita lamang ang biktima sa kanila at sa mapangasawang Austral­yano kung saan kalimitang namamataang malungkot sa hindi nabatid na dahilan.

Kasalukuyang ginagamot sa De La Salle University Medical Center ang biktima na sinasabing nakatakdang operahan.

Show comments