^

Probinsiya

Bodega ng banana plantation sinunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang nagpakita ng bangis ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos sunugin ng tatlo nitong armadong miyembro  ang bodega ng isang banana plantation sa Brgy. Sta Fe, Tagbina, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi.

 Sa ulat, sinabi ni CARAGA Police Spokesman Supt. Martin Gamba, bandang alas-11:30 ng gabi ng bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga rebelde at sinunog ang bodega ng Sumifru Banana Plantation sa Brgy. Sta Fe ng bayang ito gamit ang isang lampara.

 Samantalang hindi naman nagawang pumalag ng dalawang security guard matapos ang mga itong tutukan ng baril ng mga rebelde na naghagis ng lampara sa kinaroroonan ng saku-sako ng mga fertilizers at iba pa na mabilis na nagliyab.

 Lumilitaw naman sa inisyal na imbestigasyon na pangi­ngikil ng revolutionary tax ang motibo ng panununog.

BRGY

LUMILITAW

MARTIN GAMBA

MULI

NEW PEOPLE

POLICE SPOKESMAN SUPT

SAMANTALANG

STA FE

SUMIFRU BANANA PLANTATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with