15 tiklo sa cybersex den

CAVITE, Philippines – Kalaboso ang 15-kalalakihan matapos ares­tuhin ng mga operatiba ng pulisya sa cybersex den sa Sitio Bagong Pook, Barangay Calibuyo sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng madaling-araw. Bukod sa 15-katao na dinakma ay dinala rin sa himpilan ng pulisya ang may-ari ng bahay na si Loyd dela Cruz na umaming kalimitan sa mga customer nila ay mga foreigner na nagbabayad sa halagang  US$50  kada show. Nasamsam sa bahay ni Loyd ang sampung laptop, iPod music player, mga charger at speakers, Internet router, headset at cell phones. Nakatakda ng sampahan ng kasong human trafficking si dela Cruz habang itinurn-over sa DSWD ang dalawang menor-de-edad na lalaki.

Show comments