TUGUEGARAO CITY, Philippines - Napisak ang murang katawan ng 4 -anyos na batang lalaki matapos itong mabagsakan ng maliit na troso na bitbit ng kanyang ama mula sa kagubatan ng Barangay Mabasa sa bayan ng Dupax del Norte, Nueva Viscaya kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Austin Sumaling samantalang ang ama na sinasabing sising-alipin sa naganap na insidente ay si Richard Sumaling, 36. Ayon sa ama, hindi nito napansin ang anak na kumalambitin sa gawing likurang dulo ng maliit na trosong pasan niya palabas ng gubat.
 Dahil sa pagod sa paglalakad ay biglang ibinagsak ng ama ang pasan na troso at huli na nang makita nitong nangingisay na ang kanyang paboritong anak sa ilalim ng kahoy.