Kawatan ‘sinalvage’ sa Cavite

CAVITE , Philippines  â€“ Pinaniniwalaang may mga kasong pagnanakaw ang isang lalaki kaya ito sinalvage sa Trece Martires, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-7:15 ng umaga nang matagpuan sa gilid ng Trece-Amadeo Road sa Barangay Conchu, ang biktima na may edad 30 hanggang 35. Nakabalot ng packaging tape ang mukha, kamay at binti ng biktima at may palatandaang pinahirapan muna bago pinagsasaksak. Narekober sa biktima ang coin purse, P50, keychain, panyo at bonnet.

Show comments