^

Probinsiya

Trader tumalon sa billboard, utas

Chistina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Nag-ala Superman ang isang negosyante matapos itong tumalon mula sa inakyat na mataas na billboard sa kahabaan ng Aguinaldo highway, Sitio Malumot, Brgy., Panapaan VII, Bacoor, Cavite  kamakalawa ng hapon.

Dead-on-the-spot matapos na kumalat ang utak at dugo sa espaltadong kalsada ng biktimang si Rommel Nacachi, 38-anyos, may asawa at residente ng Diamond Village, Brgy. Anabu 2-F, Imus City ng lalawigang nabanggit.

Ayon kay Imus City Police Chief P/Supt. Ronaldo Mendoza, naganap ang insidente bandang alas-5 ng hapon.

Nakita pa umano ng ilang bystander ang biktima na mabilis na tumatakbo saka tuluy-tuloy na umakyat sa billboard ng Mc Leod Sign Maker sa nasabing lugar.

Sinabi ni PO3 Ronaldo Orozco, may hawak ng kaso matapos maakyat ang tuktok ng billboard ay itinaas pa ng biktima ang kaniyang dalawang kamay na sumisigaw pa.

Laking gulat ng mga tao ng bigla na lamang itong tumalon na sa lakas ng pagkakabagsak ay nabasag ang bungo at nagkabalibali ang katawan sa insidente.

Sa pahayag naman ni Brgy. Kagawad Ernesto Villaluz, kasama niya ang biktima na lulan ng kulay itim na Nissan Frontier (NIK 524) at patungo sila sa Maynila ng biglang lumabas ng sasak­yan ang biktima matapos na matrapik sila sa lugar kung saan bigla na lamang itong nagtatakbo saka umakyat sa billboard. Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagpapatiwakal ng biktima.

BRGY

DIAMOND VILLAGE

IMUS CITY

IMUS CITY POLICE CHIEF P

KAGAWAD ERNESTO VILLALUZ

MC LEOD SIGN MAKER

NISSAN FRONTIER

ROMMEL NACACHI

RONALDO MENDOZA

RONALDO OROZCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with