2 PAGs tiklo sa Masbate

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dalawa-katao na sinasabing miyembro ng Private Armed Groups ng kilalang pulitiko matapos itong maaresto ng mga operatiba ng pulisya sa bayan ng Dimasalang, Masbate kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Ramie Arizobal, at Ariel Arizobal na kapwa miyembro ng Arizobal armed group. Ang mga suspek ay nasakote ilang minuto bago ang unity walk ng mga awtoridad kaugnay sa mis­yong maipatupad ang SAFE (Secured and Fair Elections) sa 2013 mid term elections. Hindi na nakapalag ang mga suspek matapos na makorner ng pulisya  sa Barangay Poblacion kung saan nasamsam ang cal. 38 revolver, granada,  rifle grenade, dalawang cal. 45 psitol, mga bala ng cal. 5.56.

Show comments