4 tulak-droga arestado

BULACAN , Philippines  â€“ Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan sa inilatag na drug bust operation ng pulisya sa magkakahiwalay na bayan sa lalawigan ng Bulacan kamakalawa ng umaga. Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Noel Danao ng Pinesville Subd.; Jose Mallari ng Meywoods Subd., Brgy. Lawa; Enrico Dela Ayre ng Brgy. Perez, Meycauayan City; at si Sandy Victoria ng Brgy. San Nicolas, Hagonoy. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Sydney Villaflor, nasakote sina Danao at Mallari sa drug bust operation sa Brgy. Lawa kung saan nasamsam ang walong plastic sachet ng shabu. Gayundin si Dela Ayre na naaresto sa bisinidad ng Brgy. Perez habang si Victoria naman ay nasakote ng mga tauhan ni P/Supt. Lailene Amapro sa bahagi ng Brgy. Bagbaguin sa Sta, Maria. Nasamsam naman kay Victoria ang 8-plastic sachet ng shabu.

 

Show comments