Nene ni-rape slay ng adik

CAVITE , Philippines  â€“ Masyadong maaga ang salubong ni kamata­yan laban sa 9-anyos na nene matapos itong halayin ay pinagsasaksak pa ng di-kilalang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay San Lorenzo Ruiz 2, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Ang biktimang iniulat na nawawala noong Disyembre 25 ay nakilalang si Zosiemae Magluyan, Grade 3 pupil sa Sta. Cruz Elementary School at nakatira sa Blk H1 excess Lot sa nasabing barangay. Ayon kay PO1 Ellaine Magsino, ang bangkay ng biktima  na sinasabing inabandona sa basurahan ay tinabunan ng buhangin kung saan natagpuan ng dalawang basurero. Isinailalim na sa post-mortem examination ang bangkay ng biktima kaugnay sa sinasabing hinalay nga.

Show comments