Magsasaka dinedo ng mag-aama

TUGUEGRAO CITY, Philippines - Napaslang ang 46-anyos na magsasaka na nagbenta ng kanyang ani matapos barilin at mapatay ng mag-aama ay pinagnakawan saka itinapon sa bahagi ng Barangay Liwan Norte sa bayan ng Enrile, Cagayan, ayon sa ulat ng pulisya kamakalawa. Kinilala ni SPO4 Leonardo Obispo ang biktima na si Benjamin Bautista habang nasakote naman ang mga suspek na sina Ferdinand Maneja Sr. 56; Federico, 26; at si Rolando Maneja, 32 na dating Barangay Secretary; at si Jeriel Dasalla, 30. Batay sa ulat ng pulisya, nakipag-inuman ang biktima sa mga suspek kung saan sinasabing si Dasalla ang bumaril sa harap ng lamesa at pinagtulungan itong buhatin palabas ng bahay. Ilang saksi ang nakakita sa mga suspek na isinakay ang bangkay ng biktima sa motorsiko bago ito natagpuan nakabulagta sa sapa. Nakuha sa bangkay ang dalawang cellphone subalit wala na ang P16,000 cash na ayon sa kanyang misis ay mula sa napagbentahan ng kanilang aning pananim.

Show comments