^

Probinsiya

Lola tinodas sa selos ni lolo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Pinaniniwalaang selos ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak at napatay ang 63-anyos na lola ng kanyang asawang lolo sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poro, San Fernando City, La Union kahapon.

Tatlong saksak sa katawan at namatay sa Ilocos Training and Regional Medical Center ang biktimang si  Lola Nora Costales habang sumuko naman sa pulisya ang suspek na si Lolo Juan Costales.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nag-iinuman ang mag-asawang matanda nang nauwi sa matinding pagtatalo dahil sa matinding selos ng matandang lalaki. Dito inundayan ng saksak ng suspek ang kanyang kabiyak na lola.

Nang humupa ang silakbo ng damdamin ay sumuko ang suspek na dala ang matin­ding pagsisisi sa nagawa.

vuukle comment

BARANGAY PORO

DITO

ILOCOS TRAINING AND REGIONAL MEDICAL CENTER

LA UNION

LOLA NORA COSTALES

LOLO JUAN COSTALES

LUMALABAS

NANG

PINANINIWALAANG

SAN FERNANDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with